Tuesday, December 8, 2015

Intense Research of an Individual or How to Stalk


Say "Intense Research of an Individual" instead of stalking.


May crush ka ba pero hindi mo alam ang pangalan? Hindi mo alam ang pangalan dahil nahihiya kang itanong at lumapit? Nahihiya kang itanong at lumapit dahil wala kang lakas ng loob. Edi sa chat ka na lang makipag kaibigan. Mas hindi pa nakakahiya dahil hindi ka nya nakikita, hindi nya nakikita yung pagiging nerbyosa/nerboyoso mo habang kachat mo sya. Yun nga lang hindi mo alam yung facebook nya, kaya paano mo sya machachat. So, ito ang mga tips kung paano nyo makukuha at malalaman ang facebook ni crush kahit hindi mo sya tinatanong.


Lahat ng ito nag simula nung high school ako. One day, uwian na namin yun galing school, may naka salubong ako gwapo at matangkad lagi ko syang nakikita dun sa lugar namin hanggang sa naging crush ko sya. Hanggang crush lang naman talaga eh kaso nagtatagal na hindi ko pa rin alam yung name nya, eh nahihiya naman akong itanong pangalan nya kaya hinanap ko  na lang sya sa facebook. Sa awa naman ng Diyos ayun nahanap ko  rin sya kaso matagal nga lang. Pagkatapos nun inadd ko sya, syempre pag crush mo ikaw na dapat gumawa ng first move para mapansin ka nya, sa tingin mo ba mapapansin ka ni crush kung tutunganga ka lang at maghihintay na mapansin ka. Dapat hindi! Go! Go! Go! lang dapat. Swerte mo kung yung crush mo hindi snob. So edi ayun na nga, inaccept na ko ni crush, nilakasan ko talaga yung loob ko para machat ko sya, tapos nagpakilala ako, naging friends kami katagalan. Kaso kakatambay pala sa wall nya ay nakakasawa rin pala. Hanggang sa nagkaroon ako ng MGA bagong crush, edi ayun inulit ko lang din yung diskarte ko sa una kong crush, lumipas ang mga linggo, buwan ang dami ko ng nagiging crush pero habang patagal ng patagal mas bumibilis ako sa paghahanap ng mga social media nila, may ugali kasi akong hindi ako titigil o kaya hindi ako matutulog hangga't hindi ko nakikita fb or twitter ni crush. Kaya rin siguro nahasa at gumaling ako sa paghahanap.



Eto na nga! Eto na ang mga tips kung paano mo mahahanap ang mga social media ni crush:

1. Matiyagan mo muna sya, imbestigahan mo kung sino ba yung mga kilala mo na friends nya. Pero wag ka namang magpapahalata at baka matakot sila sa iyo.

2. Pag wala kang kilala sa friends nya. Hanap ka ng ibang paraan. Maghanap ka ng impormasyon. 
Halimbawa:
     • Lalapit ka ng bahagya sa kanya pero ang totoo makikinig ka lang sa usapan nila, pero syempre wag kang magpapa halata na nakikinig ka sa usapan nila.
     •  Pwede rin yung sa mga nameplate nila sa uniform at yung uniform nila makakatulong din yun para malaman kung saan sila nag aaral.

3. Ito ang wag mong kakalimutan. Yung mukha ng crush mo, kung maari picturan mo sila o kaya idrawing mo para hindi mo sila makalimutan. 

4. Pag may mga nalikom ka ng mga impormasyon. Time for searching na, gamitin mo yung mga nakuha mong information sa pag hahanap. 

Ganito mo sila isesearch sa facebook: diba habang nakikinig ka dun sa usapan nila narinig mong tinawag ng kaibigan nya yung crush mo sa pangalan nya halimbawa "Greg", ayun edi nalaman mo ngayon yung name nya. Tapos on the next day nakita mo ulit sya yung uniform nya pang ust. So ngayon isesearch mo sa search bar ng facebook is "Greg ust" may mga lalabas na dun isa isahin mo silang titingnan. Ganun din gawin mo sa twitter.

4. Pag nasearch mo na maraming lalabas dun na mga magkaka parehong pangalan, para mahanap mo gagamitin mo yung itsura nya. Kaya nga dapat kailangan tandaan mo yung mukha nila.

5. Habaan mo lang pasensya mo sa paghahanap dahil hindi madaling maghanap. Hanap lang dapat ng hanap kung gusto mo siya makita at makilala. Wag kang mawawalan ng pag-asa.

6. Pero minsan diskarte lang talaga eh. Kung marunong kang dumiskarte edi madali na lang para sayo hanapin sya.

sa akin effective to ah, ewan ko na lang sa inyo, depende na yan sa diskarte nyo. Yan talaga yung mga paraang ginagawa ko para mahanap ko mga social media ng mga crush ko.

Kung palaging mangyayari sa inyo yan mahahasa ang skills nyo sa paghahanap at gagaling kayo. Dahil masasanay yang utak nyo na maghanap.

Pero kung pagod ka na sa kakahanap isa lang mapapayo ko sayo, itigil at kalimutan mo na lang sya. Pero ikaw din, malay mo sya pala ang matagal mo ng pinapangarap hindi kayo nagka tuluyan dahil sumuko ka agad. 

Hanggang dun na lang ang aking masshare mga kaibigan. Umaasa akong makakatulong ito sa mga torpe at walang lakas ng loob para lumapit kay crush o kaya sa mga idols nyo. 

Maraming salamat guys! Sana nag enjoy kayo 😊






No comments:

Post a Comment