Friday, December 11, 2015

AMC's Date at Quezon Memorial Circle

November 21, 2015. Nag decide kaming mag date ng mga besties ko na sina Andrea Marie Correa at Cindy Ronquillo. Umaga kami umalis ng Norzagaray, Bulacan mga 10:30am.

Nakarating kami mga 1:00pm na ata. Pagkarating namin naghanap agad kami ng cr dahil ihing-ihi na kami. Eto namang si Cindy nakarating na dun eh hindi na matandaan yung cr. So nagkanda ligaw ligaw pa kami sa paghahanap ng cr, eh gutom na gutom na kami nun. Jusko! HAHAHAHA! 

After nun naghanap na kami ng kakainan. Dun kami kumain sa may Carinderia Tiangge ata yun basta nakalimutan ko na. Edi ayan na, umorder na kami. Jusme! Yung inorder namin hindi masarap parang ang tagal ng naka stock eh ang dami pa naman naming inorder dahil libre naman daw ni Cindy. Yung coke at pancit lang ata yung matinong pagkain na meron sila eh 
hahaha. (Hindi naman po ako nanlalait, nagsasabi lang po ako ng totoo). Umalis kami ng hindi naubos yung mga inorder naming foods.




After namin kumain, hindi na namin sinayang yung time namin. Sinubukan na agad namin yung mga rides doon, una naming pinuntahan is yung Pedal n' Paddle. Sumakay agad kami sa Boating Pedal basta yun na yun 150pesos lang naman.




Grabe kung dun pa lang kakapagod na mag pedal, ano pa kaya sa Go Kart which is next naming sinubukan 70pesos/30 minutes. Grabe nung una gusto sana naming 1hr kasi baka hindi sulit kung 30minutes, tapos wala pang 30minutes parang ayaw na namin dahil nakakapagod mag pedal, sumasakit na yung mga legs. Nung natapos na yung time namin pagkatayo namin ang sakit sakit ng mga legs namin, kaya nag decide na kaming umalis dun.






Gusto pa sana naming subukan yung ibang rides dun kaso puro pedal eh ang sakit sakit na ng mga legs namin. Kaya nag decide kaming mag Zipline na lang, although mababa at maikli lang sya, okay lang enjoy naman eh.







Yun na yung last na ride na sinubukan namin, pagod na pagod kami kaya bumili kami ng ice cream at umupo sa mga upuan dun at nag kwentuhan lang kami. Pagkatapos nun nag decide na kaming umuwi sa condo namin sa may welcome rotonda QC.

Nung pagka akyat na namin sa condo, grabe! asar na asar ako kay Marvin dahil naabutan naming ang gulo gulo at kalat ng bahay kaya nilinis ko muna.




Tapos hinintay na namin si Marvin para mag swimming kami. habang hinihintay si Marvin, nag iinternet, ukulele, gitara, kumanta, nagkwekwentuhan at selfie lang kami. Nang dumating na si Marvin nag swimming na kami, mga 1hr lang ata kami nag swimming dahil ang lamig lamig sa pool, gabi ka pa naman maligo eh, panong hindi lalamig, kaya umahon na kami at nag banlaw.






Pagkatapos nun nagutom kami kaya bumaba kami at nag take out ng mcdo for dinner. Libre ulit ni Cindy, si Cindy at Marvin bumili ng mcdo at kami naman ni Andrea bumili ng cake kasi sabi namin ibibili namin sya ng cake kunwari surprise hahaha.




Ni-celebrate din namin yung birthday ni Cindy sa araw na ito. Bumili kami ng cake para sa kanya. Sinurprise kuno daw namin sya para  happy ang life.

Kunwari surprise HAHAHA


Ayun! Basta nag enjoy kami sa araw na yan. After ng mahabang mahabang mahabang mahabang, ooopss joke lang, basta matagal na kami hindi nakakapag bonding, neto na lang ulit naulit and sobrang saya at memorable. Maraming Salamat mga besties. I Love You! Happy Birthday Cindy Ronquillo ang probinsyanong pulis ng Garay! HEHEHE


No comments:

Post a Comment