Guys! Kung ano man ang mga pagsubok ang dumating sa buhay nyo, tandaan nyo wag na wag na wag na wag kayong mawala kay God, Siya lang talaga ang solusyon sa lahat problemang dadating. Pray lang lagi, wag kayong mawalan ngpag asa at syempre patience. Lagi nyo yang tatandaan. Thank You! 😊
Sunday, January 10, 2016
Si God lang talaga ang solusyon
I hate being only girl. Lahat sakin nakatuon ang atensyon, sakin tutok at bantay sarado, kailangan wala akong ibagsak sa mga subjects ko. Minsan na nga gusto ko ng mag layas dahil sobrang higpit sa bahay o magpakamatay dahil hindi ko na kaya. Pero hindi ko magawa dahil para bang may pumipigil sakin and I realized na si Lord yun, alam kong may plano si Lord sakin, alam ni Lord na kaya ko at malalampasan ko lahat ng pagsubok sa life ko kahit paulit ulit akong nagkaka sala at nakakagawa ng kasalanan, kahit ang daming temptations sa buhay ko He will always forgive me for all my sins. Pero eto, halimbawa na lang ng pagsubok sa buhay. Last sem, ang saya saya ko dahil nakapasa ako sa battery or qualifying exam, then nung nag simula na yung class ayun na nagsimula na rin yung pagdurusa ko, ang hirap ng 3rd year life, anjan ang mga mahihirap mong majors, anjan din yung mga terror mong prof hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga panahong yun. Halos sa buong sem wala akong naipapasang quiz, wala akong naipapasang exams ang tanging pag asa ko nun ay yung attendance, assignments at mga seatworks pero alam ko namang hindi sapat yun para maipasa ko yung mga subjects ko. Inaamin ko hindi na ko nakakapag church nun, halos wala na kong faith kay God, walang wala na kong pag asa. Lagi akong umiiyak ng mga time na yun. Naisip ko nga "paano kaya ako magiging matalino katulad ng classmates ko, pumunta kaya ako sa mga marunong ng black magic mga kampon ng demonyo" hahaha baliw na kung baliw naniniwala kasi talaga ako sa mga ganun. Pero I realized na hindi solusyon yun sa mga problema ko. Until the end of the semester comes, nakita ko na yung mga final grades ko ang dami kong failed sa mga subjects. Inaamin ko naiiyak na ko nun nung malaman ko. Kaso hindi ako pwedeng umiyak dahil ayokong mamaga yung mga mata ko dahil may pasok pa ako kinabukasan. After nun hindi na ko naiyak. Kahit galit na galit dad ko at sobrang nadisappoint pati mom ko. Binigo ko sila eh. Hindi nila expected yun, halos hindi ako kausapin ng dad ko. Muntik na nga nya kong hindi pag aralin eh. I decided na lang na lumipat ng ibang school. Yung hindi masyadong mahigpit, now andito ako sa nilipatan kong school. Oo, hindi pa ko sanay kasi hindi pa ko nakaka move on sa dati kong school eh. Pero I know unti unti ko rin matatanggap at masasanay dito sa school na nilipatan ko. And I'll make sure na dito na ko magiging masaya at makaka graduate. In God's will! To God be the Glory po 😊
Location:
Manila Manila
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment